2 Cronica 36:16
Ang Biblia (1978)
16 Nguni't kanilang tinuya ang mga sugo ng Dios, at niwalang kabuluhan ang kaniyang mga salita, (A)at dinusta ang kaniyang mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng Panginoon ay bumugso laban sa kaniyang bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.
Read full chapter
Mateo 23:34
Ang Biblia (1978)
34 (A)Kaya't, narito, sinusugo ko sa inyo ang mga propeta, at mga pantas na lalake, at mga (B)eskriba: ang mga iba sa kanila'y inyong papatayin at ipapako sa krus; (C)at ang mga iba sa kanila'y inyong hahampasin sa inyong mga sinagoga, at sila'y inyong paguusigin sa bayan-bayan:
Read full chapter
Mateo 23:37
Ang Biblia (1978)
37 Oh Jerusalem, Jerusalem, (A)na pumapatay sa mga propeta, at bumabato sa mga sinusugo sa kaniya! makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak, na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, ay ayaw kayo!
Read full chapter
Lucas 13:33-34
Ang Biblia (1978)
33 Gayon ma'y kailangang ako'y yumaon sa aking lakad (A)ngayon at bukas at sa makalawa: sapagka't hindi mangyayari na ang isang propeta ay mamatay sa labas ng Jerusalem.
34 Oh Jerusalem, Jerusalem, (B)na pumapatay sa mga propeta, at bumabato sa mga sinugo sa kaniya! Makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak, na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang sariling mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, at ayaw kayo!
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978