Lucas 24:34
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
34 Sabi nila, “Totoo ngang nabuhay muli ang Panginoon at nagpakita kay Simon!”
Read full chapter
Mateo 28:16-17
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Sinugo ni Jesus ang mga Alagad(A)
16 Samantala, (B) ang labing-isang alagad ay pumunta sa Galilea, sa bundok na ipinagbilin sa kanila ni Jesus. 17 At nang siya'y kanilang makita, sila'y sumamba sa kanya. Ngunit ang iba ay nag-alinlangan.
Read full chapter
Marcos 16:14
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pinagbilinan ni Jesus ang mga Alagad(A)
14 Hindi nagtagal at nagpakita siya sa labing-isa samantalang sila'y kumakain. Sila'y kanyang pinagsabihan dahil sa hindi nila pagsampalataya at katigasan ng kanilang puso, sapagkat hindi sila naniwala sa mga nakakita sa kanya pagkatapos na siya'y muling mabuhay.
Read full chapter
Lucas 24:36
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Nagpakita si Jesus sa Kanyang mga Alagad(A)
36 Habang pinag-uusapan nila ito, tumayo si Jesus sa gitna nila at nagsabi, “Sumainyo ang kapayapaan!”
Read full chapter
Juan 20:19
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Nagpakita si Jesus sa mga Alagad(A)
19 Kinagabihan ng araw na iyon, unang araw ng linggo, habang ang mga pinto ng bahay na pinagtitipunan ng mga alagad ay nakasara dahil sa takot sa mga pinuno ng mga Judio, dumating si Jesus at tumayo sa gitna nila at sinabi, “Sumainyo ang kapayapaan!”
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.