Font Size
Mateo 8:19-22
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Mateo 8:19-22
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
19 May tagapagturo ng Kautusan na lumapit sa kanya at sinabi, “Guro, susunod po ako sa inyo kahit saan.” 20 Pero sinagot siya ni Jesus, “May mga lungga ang mga asong-gubat, at may mga pugad ang mga ibon. Ngunit ako na Anak ng Tao ay walang sariling tahanan na mapagpahingahan.” 21 Isa pa sa mga tagasunod niya ang nagsabi, “Panginoon, pauwiin po muna ninyo ako para maipalibing ko ang aking ama.”[a] 22 Pero sinabi ni Jesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin at ipaubaya mo sa mga patay ang paglilibing ng kanilang patay.”
Read full chapterFootnotes
- 8:21 pauwiin po muna ninyo ako para maipalibing ko ang aking ama: Maaaring ang ibig sabihin, uuwi muna siya habang hindi pa patay ang kanyang ama, at kapag namatay na at nailibing, susunod siya kay Jesus.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®