Add parallel Print Page Options

Ang Matuwid na Hatol ng Diyos

Kaya nga, wala kang maidadahilan, ikaw na taong humahatol sa iba sapagkat kapag hinatulan mo ang ibang tao, hinahatulan mo rin ang iyong sarili dahil ginagawa mo rin ang gayong mga bagay.

Ngunit alam natin na sa mga gumagawa ng gayong mga bagay, ang hatol ng Diyos ay ayon sa katotohanan. Iniisip mo bang makakaligtas ka sa hatol ng Diyos, ikaw na taong humahatol sa kanila na gumagawa ng gayong mga bagay at gumagawa rin ng gayon? Minamaliit mo ba ang yaman ng kaniyang kabaitan? Minamaliit mo ba ang kaniyang pagtitiis at pagtitiyaga? Hindi mo ba nalalaman na ang kabutihan ng Diyos ang gumagabay sa iyo sa magsisi.

Ngunit ayon sa katigasan ng iyong puso at hindi pagsisisi, ikaw ay nag-iipon ng galit laban sa iyong sarili. Ito ay sa araw ng galit at paghahayag ng matuwid na hatol ng Diyos. Ang Diyos ang nagbibigay ng hatol sa bawat tao ayon sa gawa niya. Sila na patuloy na gumagawa ng mabuti, na may pagtitiis at naghahanap ng kaluwalhatian at karangalan at ng walang kasiraan ay bibigyan ng walang hanggang buhay. Ngunit sa kanila na makasarili at masuwayin sa katotohanan at sumu­sunod sa kalikuan ay tatanggap ng poot at galit. Paghihirap at kagipitan ang ibibigay sa bawat kaluluwa ng tao na patuloy na gumagawa ng masama, una sa mga Judio at gayundin sa mga Griyego. 10 Ngunit kaluwalhatian, kapurihan at kapayapaan ang ibibigay sa lahat ng gumagawa ng mabuti, una sa mga Judio at saka sa mga Griyego. 11 Ito ay sapagkat hindi nagtatangi ng tao ang Diyos.

12 Ito ay sapagkat ang lahat ng nagkasala na hindi sa ilalim ng kautusan ay lilipulin na hindi sa ilalim ng kautusan. Ang lahat ng nagkasala sa ilalim ng kautusan ay hahatulan sa pamamagitan ng kautusan. 13 Ito ay sapagkat hindi ang mga nakikinig ng kautusan ang matuwid sa paningin ng Diyos kundi ang mga gumagawa ng kautusan ang siyang pinapaging-matuwid. 14 Ito ay sapagkat ang mga Gentil bagaman walang kautusan, ay likas naman nilang ginagawa ang bagay na nakapaloob sa kautusan. Sa paggawa nila nito, nagiging kautusan ito para sa kanilang sarili. 15 Ipinapakita nila na nakasulat sa kanilang mga puso ang gawa ng kautusan. Nagpapatotoo rin ang kanilang budhi at sa bawat isa ang kanilang isipan ang umuusig o kaya ay nagtatanggol sa kanila. 16 Ito ay mangyayari sa araw na ang lihim ng mga tao ay hahatulan ng Diyos sa pamamagitan ni Jesucristo ayon sa ebanghelyo na ipinangaral ko.

Ang mga Judio at ang Kautusan

17 Narito, ikaw ay tinatawag na Judio, nagtitiwala ka sa kautusan at ipinagmamalaki mo na ikaw ay sa Diyos.

18 Alam mo ang kalooban niya. Dahil naturuan ka sa kautusan, sinasang-ayunan mo ang mga bagay na higit na mabuti. 19 Naka­ka­­tiyak kang ikaw ay tagaakay ng mga bulag at liwanag ng mga nasa kadiliman. 20 Ikaw ay tagapagturo ng mga hangal, isang guro ng mga sanggol. Nasa iyo ang anyo ng kaalaman at sa katotohanan ng kautusan. 21 Ikaw nga na nagtuturo sa iba, hindi mo ba tinuturuan ang iyong sarili? Ikaw na nangangaral na huwag magnakaw ang isang tao, nagnanakaw ka ba? 22 Ikaw na nagsasabing huwag mangangalunya ang isang tao, nangangalunya ka ba? Ikaw na nasusuklam sa mga diyos-diyosan, ninanakawan mo ba ang mga templo? 23 Ikaw na nagmamalaki patungkol sa kautusan, sa pagsuway mo sa kautusan, nilalapastangan mo ba ang Diyos? 24 Ito ay sapagkat tulad ng nasusulat:

Dahil sa iyo, nagkaroon nga ng pamumusong sa pangalan ng Diyos sa gitna ng mga Gentil.

25 Kapag tinupad mo ang kautusan, may halaga ang iyong pagiging nasa pagtutuli. Ngunit kapag nilabag mo ang kautusan, ang iyong pagiging nasa pagtutuli ay naging hindi nasa pagtutuli. 26 Hindi ba kapag ang hindi gumagawa ng pagtutuli ay tumupad ng hinihingi ng kautusan, ang kaniyang hindi pagiging nasa pagtutuli ay ibibilang na pagtutuli? 27 Hindi ba ang likas na hindi nasa pagtutuli at tumutupad sa kautusan, siya ang hahatol sa iyo, ikaw na sumusuway sa kautusan, kahit na mayroon kang nakasulat na kautusan at ang iyong pagiging nasa pagtutuli?

28 Ito ay sapagkat siya, na sa panlabas na anyo ay Judio, ay hindi tunay na Judio, maging ang pagtutuli sa panlabas na laman ay hindi tunay na pagtutuli? 29 Ang tunay na Judio ay ang Judio sa kalooban at ang tunay na nasa pagtutuli ay sa puso, sa espiritu at hindi ayon sa titik ng kautusan. Ang papuri sa kaniya ay hindi mula sa tao kundi mula sa Diyos.

Ang Makatarungang Hatol ng Diyos

Kaya't (A) wala kang maidadahilan, sino ka mang humahatol sa iba. Sapagkat sa paghatol mo sa iba ay hinahatulan mo rin ang iyong sarili, sapagkat ikaw na humahatol ay gumagawa rin ng gayon. Nalalaman nating batay sa katotohanan ang hatol ng Diyos sa mga taong gumagawa ng gayon. Kaya ikaw, tao, akala mo ba'y makatatakas ka sa hatol ng Diyos kung humahatol ka sa iba ngunit gumagawa ka rin ng masasamang gawaing hinahatulan mo? O baka naman sinasamantala mo ang yaman ng kabutihan, pagtitiis at pagtitiyaga ng Diyos? Hindi mo ba naunawaan na ang kabutihan ng Diyos ang nag-aakay sa iyo tungo sa pagsisisi? Ngunit dahil matigas ang iyong ulo at ang puso mo'y ayaw magsisi, lalo mong pinabibigat ang parusang igagawad sa iyo sa araw ng poot ng Diyos, kung kailan ihahayag niya ang kanyang makatarungang paghatol. Igagawad (B) niya sa mga tao ang naaayon sa kanilang mga ginawa. Ipagkakaloob naman ng Diyos ang buhay na walang hanggan sa mga taong nagtitiyaga sa paggawa ng mabuti, naghahanap ng karangalan, kadakilaan at ng kawalang kamatayan. Ngunit matinding galit at poot ang sasapitin ng mga makasarili at sumusunod sa kasamaan sa halip na sa katotohanan. Pagdurusa at pighati ang daranasin ng bawat taong gumagawa ng masama, una ang mga Judio at gayundin ang mga Griyego. 10 Subalit karangalan, kapurihan, at kapayapaan naman sa bawat gumagawa ng mabuti, una ang mga Judio at gayundin ang mga Griyego. 11 Sapagkat (C) ang Diyos ay walang kinikilingan. 12 Ang lahat ng nagkasala na hindi saklaw ng Kautusan ay hahatulan nang hindi ayon sa Kautusan. At ang lahat ng nagkasala sa ilalim ng Kautusan ay hahatulan ayon sa Kautusan. 13 Sapagkat hindi ang mga nakikinig kundi ang tumutupad sa Kautusan ang ituturing na matuwid sa harapan ng Diyos. 14 Kapag ang mga Hentil, na walang Kautusan, ay nakagagawa ng mga bagay na itinatakda ng Kautusan, dahil sa likas nilang kaalaman, ang mga ito'y nagiging Kautusan na para sa kanila bagama't wala silang Kautusan. 15 Ipinapakita ng kanilang mga gawa na nakasulat sa kanilang mga puso ang mga itinatakda ng Kautusan. Pinapatunayan din ito ng kanilang budhi, na sa kanila'y manunumbat at magtatanggol. 16 Magaganap ito sa araw ng paghatol ng Diyos sa lihim ng mga tao sa pamamagitan ni Cristo Jesus. Ito'y naaayon sa ebanghelyong aking ipinapangaral.

Ang mga Judio at ang Kautusan

17 Ngayon, kung sinasabi mong ikaw ay isang Judio at nananalig sa Kautusan, at ipinagmamalaki mo ang kaugnayan mo sa Diyos, 18 ikaw na palibhasa'y naturuan sa Kautusan ay nagsasabing nakaaalam ng kanyang kalooban, at sumasang-ayon sa mabubuting bagay, 19 ang palagay mo'y tagaakay ka ng mga bulag at tanglaw ka ng mga nasa kadiliman, 20 tagapayo ng mga hangal, at tagapagturo ng mga bata, dahil natutuhan mo sa Kautusan ang pinakadiwa ng kaalaman at katotohanan, 21 ikaw na nagtuturo sa iba, bakit hindi mo turuan ang iyong sarili? Nangangaral kang huwag magnakaw, bakit ka nagnanakaw? 22 Ikaw na nagsasabing huwag mangalunya, bakit ka nangangalunya? Ikaw na nasusuklam sa mga diyus-diyosan, bakit mo ninanakawan ang mga templo? 23 Ipinagmamalaki mo ang Kautusan, ngunit nilalapastangan mo naman ang Diyos sa pamamagitan ng pagsuway mo sa Kautusan. 24 Gaya ng nasusulat, (D) “Nilalapastangan ng mga Hentil ang pangalan ng Diyos dahil sa inyo.” 25 Totoong mahalaga ang pagiging tuli kung tinutupad mo ang Kautusan. Ngunit kung lumalabag ka sa Kautusan, para ka ring hindi tuli. 26 Kaya't kung ang mga hindi tuli ay tumutupad sa mga itinatakda ng Kautusan, hindi ba maibibilang na rin silang parang mga tuli? 27 Kaya't siya na hindi tuli, subalit namumuhay ayon sa Kautusan, ang hahatol sa iyo, na tuli at mayroong Kautusang nakasulat, subalit sinusuway naman ito. 28 Sapagkat ang pagiging tunay na Judio ay hindi sa panlabas lamang, at ang tunay na pagtutuli ay hindi dahil tinuli ka sa laman. 29 Ang (E) pagiging tunay na Judio ay nasa kalooban. At ang tunay na pagtutuli nama'y pagtutuli sa puso, sa pamamagitan ng Espiritu at hindi ng nakasulat na Kautusan. Ang karangalan ng taong iyon ay hindi mula sa mga tao kundi mula sa Diyos.

Dahil dito'y wala kang madadahilan, Oh tao, sino ka man na humahatol: (A)sapagka't sa iyong paghatol sa iba, ay ang iyong sarili ang hinahatulan mo; sapagka't ikaw na humahatol ay gumagawa ka ng gayon ding mga bagay.

At nalalaman natin na ang hatol ng Dios ay ayon sa katotohanan laban sa kanila na mga nagsisigawa ng gayong mga bagay.

At iniisip mo baga ito, Oh tao, na humahatol sa mga nagsisigawa ng gayong mga bagay, at ginagawa mo ang gayon din, na ikaw ay makatatanan sa hatol ng Dios?

O hinahamak mo ang (B)mga kayamanan ng kaniyang kabutihan at (C)pagtitiis (D)at pagpapahinuhod, (E)na hindi mo nalalaman na ang kabutihan ng Dios ay siyang umaakay sa iyo sa pagsisisi?

Datapuwa't ayon sa iyong katigasan at iyong pusong hindi nagsisisi ay (F)nagtitipon ka sa iyong sarili ng poot sa kaarawan ng kapootan at pagpapahayag ng tapat na paghuhukom ng Dios;

(G)Na siya ang magbibigay sa bawa't tao ayon sa kaniyang mga gawa:

Sa mga nagsisipagtiyaga sa mabubuting gawa sa paghanap ng kaluwalhatian at puri at ng di pagkasira, ay (H)ang buhay na walang hanggan:

Datapuwa't ang sa mga palaaway, at mga (I)hindi nagsisitalima sa katotohanan, kundi bagkus nagsisisunod sa kalikuan, ay ang kagalitan at kapootan,

Kapighatian at kahapisan, ang sa bawa't kaluluwa ng tao na gumagawa ng masama, (J)ng Judio (K)una-una, at gayon din ng Griego;

10 Datapuwa't kaluwalhatian at karangalan at kapayapaan ang sa bawa't taong gumagawa ng mabuti, sa Judio ang una-una, at gayon din sa Griego:

11 Sapagka't ang Dios (L)ay hindi nagtatangi ng mga tao.

12 Sapagka't ang (M)lahat ng nangagkasala ng walang kautusan ay mangapapahamak din naman ng walang kautusan: at ang lahat na nangagkasala sa ilalim ng kautusan ay sa kautusan din sila hahatulan;

13 Sapagka't hindi (N)ang mga tagapakinig ng kautusan ang siyang mga ganap sa harapan ng Dios, kundi ang nangagsisitalima sa kautusan (O)ay aariing mga ganap;

14 (Sapagka't kung ang mga Gentil na walang kautusan sa katutubo, ay nagsisigawa ng mga bagay ng kautusan, ang mga ito, na walang kautusan, ay siyang kautusan sa kanilang sarili;

15 Na nangagtatanyag ng gawa ng kautusang nasusulat sa kanilang puso, na pinatotohanan ito pati ng kanilang budhi, at ang (P)kanilang mga pagiisip ay nangagsusumbungan o nangagdadahilanan sa isa't isa);

16 Sa araw na (Q)hahatulan ng Dios ang mga lihim ng mga tao, (R)ayon sa aking evangelio, (S)sa pamamagitan ni Jesucristo.

17 Nguni't kung (T)ikaw na may taglay na pangalang Judio, at (U)nasasalig sa kautusan, at (V)nagmamapuri sa Dios,

18 At (W)nakaaalam ng kaniyang kalooban, at sumasangayon sa mga bagay na magagaling, palibhasa'y tinuruan ka ng kautusan,

19 At nagkakatiwala ka na ikaw ay tagaakay ng mga bulag, ilaw ng mga nasa kadiliman,

20 Tagasaway sa mga di nakaaalam, guro ng mga bata, (X)na sa kautusan ay mayroon kang anyo ng pagkakilala at ng katotohanan;

21 Ikaw nga (Y)na nagtuturo sa iba, hindi mo tinuturuan ang iyong sarili? ikaw na nangangaral sa tao na huwag magnanakaw, ay nagnanakaw ka?

22 Ikaw na nagsasabing ang tao ay huwag mangalunya, ay nangangalunya ka? ikaw na nasusuklam sa mga diosdiosan, ay (Z)nanakawan mo ang mga templo?

23 Ikaw na nagmamapuri sa kautusan, sa iyong pagsuway sa kautusan ay niwawalan mo ng puri ang Dios?

24 Sapagka't ang pangalan ng Dios ay nalalait ng mga Gentil dahil sa iyo, (AA)gaya ng nasusulat.

25 Sapagka't ang pagtutuli'y tunay na (AB)pinakikinabangan, kung tinutupad mo ang kautusan; datapuwa't kung ikaw ay masuwayin sa kautusan, ang iyong pagtutuli ay nagiging di pagtutuli.

26 (AC)Kung ang di pagtutuli nga ay tumutupad ng katuwiran ng kautusan, hindi baga aariing pagtutuli ang kaniyang di pagtutuli?

27 At ang di pagtutuli sa katutubo, kung tumupad ng kautusan, ay hindi baga (AD)hahatol sa iyo na (AE)may titik at may pagtutuli na masuwayin sa kautusan?

28 Sapagka't siya'y (AF)hindi Judio kung sa labas lamang; ni magiging pagtutuli yaong hayag sa laman;

29 Datapuwa't siya'y Judio sa loob; at (AG)ang pagtutuli ay yaong sa puso, (AH)sa Espiritu hindi sa titik; ang kaniyang kapurihan ay hindi sa mga tao, kundi sa Dios.