Marcos 12:38-39
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Babala Laban sa mga Tagapagturo ng Kautusan(A)
38 Sinabi pa ni Jesus sa kanyang pagtuturo, “Mag-ingat kayo sa mga tagapagturo ng Kautusan. Mahilig silang mamasyal na nakasuot ng espesyal na damit.[a] At gustong-gusto nilang batiin silaʼt igalang sa mga mataong lugar.[b] 39 Mahilig silang maupo sa mga upuang pandangal sa mga sambahan at mga handaan.
Read full chapter
Lucas 11:43
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
43 “Nakakaawa kayong mga Pariseo! Mahilig kayong umupo sa mga upuang pandangal sa mga sambahan. At gustong-gusto ninyong batiin kayo at igalang sa matataong lugar.
Read full chapter
Lucas 11:46
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
46 Sumagot si Jesus, “Nakakaawa rin kayong mga tagapagturo ng Kautusan! Sapagkat pinapahirapan ninyo ang mga tao sa inyong mahihirap na kautusan, pero kayo mismo ay hindi sumusunod sa mga ito.
Read full chapter
Lucas 20:45-46
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Babala Laban sa mga Tagapagturo ng Kautusan(A)
45 Habang nakikinig kay Jesus ang mga tao, sinabi niya sa mga tagasunod niya, 46 “Mag-ingat kayo sa mga tagapagturo ng Kautusan. Mahilig silang lumibot na nakasuot ng espesyal na damit.[a] At gustong-gusto nilang batiin silaʼt igalang sa matataong lugar. Mahilig silang maupo sa mga upuang pandangal sa mga sambahan at mga handaan.
Read full chapterFootnotes
- 20:46 espesyal na damit: sa literal, mahabang damit.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®